RSS

Pages

Ang Magandang Lungsod ng Antipolo


Ang Lungsod ng Antipolo ito ay makikita sa probinsya ng Rizal ito ay ang pinakamalaking lungsod sa rehiyon ng CALABARZON at ito na rin ang pang-pito sa pinakasikat na lungsod sa bansa. Ang pangalan na Antipolo ay nagmula sa halamang Tipolo na marami sa Antipolo . Ang mga pagkain na sikat sa Antipolo ay ang mangga, kasoy, at suman. Ito ay ipinagdiriwang din at tinatawag na Sumaka (SUman, MAngga, at KAsoy) Festival na ipinagdiriwang tuwing Mayo 1. Ang mga palabas na ginagawa dito ay ang "Street Dancing Competitions", "Cultural Presentations", "Arts" at "Culinary Exhibits". Sadyang kay ganda ng Antipolo kaya ang mga tao ay nagpupunta rito at nagbabakasyon, nagsasaya, at namamasyal sa sikat na mga lugar ng Antipolo tulad ng White Cross, Hinulugang Taktak, at marami pang ibang sikat na atraksyon para sa mga turista mula sa ibang bansa man o sa iba pang mga lungsod sa Pilipinas.









  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Istatwa ni Juan Sumulong y Marquez

Ito ay ang istatwa ni Juan Sumulong na nasa Dimasalang Park sa Antipolo.  Ito ay inilagay sa Antipolo dahil ito ang lugar kung saan siya ay ipinanganak.  Si Juan Sumulong ay ipinanganak noong Disyembre 27, 1875 at namatay noong Enero 9, 1942.   Siya ay kasama sa grupo ng oposisyon na nagtanggol sa Pilipinas sa panahon ng pananakop ng hapon.  Si Juan Sumulong ay ang Utak ng Oposisyon sa panahon ng pamumuno ni Manuel L. Quezon.  Siya ay ipinanganak sa Antipolo, Rizal Siya ay ikinasal sa malayo niyang pinsan si Maria Salome Sumulong. Sila ay nagkaroon ng 11 anak, 4 ay namatay, ang pitong nabuhay ay sina Lumen, Demetria, Lorenzo, Paz, Juan Jr., Belen at Francisco.  Dalawang linggo bago ang eleksyon siya ay nagkasakit at namatay sa edad na 66 (Enero 9, 1942).  Mga ilang oras bago siya mamatay ay sinabi niya kanila Jorge Bocobo at Jose Fabella na siya at ang kaniyang grupo ay hindi sila sasali sa grupo na mga hapones ang nag-”sponsor” na pamahalaan.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Suman, Mangga at Kasoy

Suman, mangga at kasoy - ito ang tatlong pangunahing binibili sa Antipolo.

 Ang suman ay kinakain at sinasawsaw sa asukal. Ito ay pumatok sa mga tao dahil nilalagyan nito ng matamis na lasa ang suman.

Ang mangga, karaniwan itong nabibili sa pamilihang bayan ng Antipolo o kaya naman sa paligid ng Plaza. Maraming tao ang bumibili nito hilaw man o hinog. Ang mga mamimili ay karaniwan itong “snacks” lalo na ang manggang hilaw na sinasamahan ng alamang bilang 'finger foods'. 



Kasoy - pagkaing nakakalat sa pamilihang bayan ng Antipolo. Karaniwan nito flavor ay adobo o normal na “roasted” o sinangag. Marami sa tatlong pagkain na nabanggit ang nagkalat dito saAntipolo at kadalasang mamimili ay mga turista at sana ay makatikim din kayo.






  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS