Ang Lungsod ng Antipolo ito ay makikita sa probinsya ng Rizal ito ay ang pinakamalaking lungsod sa rehiyon ng CALABARZON at ito na rin ang pang-pito sa pinakasikat na lungsod sa bansa. Ang pangalan na Antipolo ay nagmula sa halamang Tipolo na marami sa Antipolo . Ang mga pagkain na sikat sa Antipolo ay ang mangga, kasoy, at suman. Ito ay ipinagdiriwang din at tinatawag na Sumaka (SUman, MAngga, at KAsoy) Festival na ipinagdiriwang tuwing Mayo 1. Ang mga palabas na ginagawa dito ay ang "Street Dancing Competitions", "Cultural Presentations", "Arts" at "Culinary Exhibits". Sadyang kay ganda ng Antipolo kaya ang mga tao ay nagpupunta rito at nagbabakasyon, nagsasaya, at namamasyal sa sikat na mga lugar ng Antipolo tulad ng White Cross, Hinulugang Taktak, at marami pang ibang sikat na atraksyon para sa mga turista mula sa ibang bansa man o sa iba pang mga lungsod sa Pilipinas.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment